Use Dark Theme
bell notificationshomepageloginedit profile

Munafa ebook

Munafa ebook

Read Ebook: Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia Sa Caharian nang Portugal na Hinañgo sa Novela by Anonymous

More about this book

Font size:

Background color:

Text color:

Add to tbrJar First Page Next Page

Ebook has 529 lines and 15911 words, and 11 pages

NA ANAC NI

FABIO AT NI SOFIA.

SA CAHARIAN NANG PORTUGAL,

NA HINAN~GO SA NOVELA.

IMPRENTA, LIBRERIA AT PAPELERIA

P. Moraga 31-36, Tel. 5005 P. Calder?n 108, Cabildo 253 Intramuros.-Tel. 3283.

B?HAY NA PINAGDAANAN

NA ANAC NI

SA CAHARIAN NANG PORTUGAL,

NA HINAN~GO SA NOVELA.

Oh seren?simang maauaing In? sa tauong cristiano na iyong oveja, sa lupa at Lan~git n~galan mo ay siy?ng tinatauag namin sa toui toui na.

Icao po ang Torre at cab?n n~g tip?n In? nang sumacop sa sala nang tanan, cami pong inap? ni Eva,t, ni Ad?n sa lub?s mong aua cami,i, nananaban.

Ituto mo rin po In?ng mapagpala masayod na lahat yaring ninanasa, mapur?l cong isip cap?s na acala matutuhan co rin ang isasalita.

Man~ga camahalang napapauang nobles may sinimpang dunong at tah? sa leyes, manipis cong alam at sal?t na isip nangah?s cahima,t, di talastas batid.

Lumalacad aco,i, piqu?t ang capara ang land?s na daa,i, hindi tanto,t, taya, pan~gah?s cong isip doon umaasa sa pa-honrang lin~gap nang m~ga bihasa.

Pinagsisiy? na nang bait co,t, isip lathala nang verso,i, ayos sa matouid, sa man~ga bihasa,i, culang din at lihis anyayang pa-honra ay inihihibic.

Pinupuring tunay niring sumusuyo ang man~gag anyayang malin~gaping puso, cahit di dalisay sa lustre,i, malabo ay paparahin nang brillante at guint?.

Na dili umano,i, nang panah?ng una sa reinong Portugal sabi sa novela, sa sacop din nito na Visadang villa doon ay mayroong pobreng, mag-asaua.

Fabio ang lalaqui tunay na pan~galan ang casi,t, esposa ay Sofia naman, mag-asauang ito,i, buhat nang macasal sap?l sa d?lita,t, ualang pamumuhay.

Capagca bata na ay itong si Fabio hanap b?hay niya ay pag jujuego, nang magca asaua,i, siya ring oficio na pinagcucunan canilang sustento.

Maguing ilang ta?n yaong pag sasama matrimoniong mahal nag supling namun~ga, nang isang lalaquing quias ay maganda naguing n~gala,i, Juan nang mabinyagan na.

Malaqui ang toua,t, ualang pagcaronan dito sa cay Juan niyong pag mamahal, palibhasa,i, uala at iisa lamang di ibig ni Fabiong bata ay oouang.

In?ng si Sofia,i, ualang guinagaua arao, gabi cundi ang pag-aarug?, si Fabiong asaua ay palaguing uala hanap ang sugalan at pagalagala.

Pagsapit nang hapon ooui sa bahay dadaan sa tinda,t, mamimili naman, madla,t, sarisaring man~ga cailan~gan na cacanin nila sa pag hahapunan.

Doon sa canila cun siya,i, dumating sa casi,t, esposa ay sisiyasatin, baca ang an?c tang mutyang guiniguilio pina-iiyac mo,t, di mo linilin~gil.

?In? co! ang sag?t ni Sofia naman uala acong gaua cun hindi hauacan, cahit nag luluto,i, quinacaulayao sa pan~gin~gilag co na baca omouang.

Anitong si Fabio na sintang esposo gayon n~ga ang aquing ibig guinugusto, icao ay hindi man macapag trabajo bata,i, houag lamang pababayaan mo.

Pagcaca umagang macapag almusal paalis na siya,t, punta sa sugalan, sa aua n~g Dios guinagaling naman sa touing ooui ay may panalunan.

Lumalaqui naman an?c nilang ito di nag cacaramdam sa aua ni Cristo, matanto at siya,i, mahal na totoo ang sugo nang in?,i, hindi asicaso.

In?ng nag mamahal ay di alintana cahit di sumunod cun utusan niya, loob ay malinis sa an?c na sinta palibhasa,i, bugtong at iisa isa.

Nang mag cabait na,i, naguing cagauian umaalis siya sa canilang bahay, sa man~ga capoua,i, hindi omaabian na naquiquilar? sa canino pa man.

Sa capan~gilagan nang catauan niya at ang catamara,i, siyang nagdadala, aalis sa bahay tatanan sa in? susuot sa pul?ng casucala,i, sady?.

Siya ay gumaua doon nang tahanan sa puno nang cahoy Betis ang pan~galan, na canyang lininis at siya,i, nag lagay m~ga baguing hagting na sadyang hihigan.

Doo,i, uala siyang munting guinagaua cundi palagui na lamang nacahiga, oras nang tanghali ay saca babab? ooui sa bahay pagcain ang sadya.

Cun siya,i, dumating sa canilang bahay ang bati n~g in?,i, saan galing icao, si Jua,i, ang sag?t ay dini po lamang naquipag lar? po sa ating cahangan.

Di naman iimic yaong canyang in? sa uica ni Jua,t, natatalastas na, ito,i, nag yayabang ?ano caya baga? ang an?c cong ito,i, bucod at caiba.

Nagtataca aco ?oh Dios sa Lan~git! ang bait isip co ay uulic ulic, cagagauang ito nang an?c cong ibig caguilaguilalas at di co malirip.

Marami rin namang man~ga bata dito sa caapid bahay, na naquiquita co, itong aquing an?c caibang totoo na palaguing uala at di masugo co.

?Ano caya bagang talaga nang Dios di paquinaban~gan ang an?c cong irog? gayon ma,i, matamis sa puso co,t, loob cun ito ay siyang sa aqui,i, caloob.

?Oh Dios na Hari,t, Pan~ginoong Am?! pagcalooban mo ang an?c cong sinta, amponin mo rin po,t, hulugan nang gracia matutong mag silbi sa magulang niya.

Mulit muling taghoy na inihihibic sa Dios na Am? na Hari sa Lan~git, cahimanauari ang an?c cong ibig bigyan nang liuanag carunun~ga,t, bait.

Saca cun matapos magtatanao tanao an?c na si Juan ay ibig matingnan, cun hindi maquita,i, mananaog naman hahanaping pilit ang quinalalagyan.

Sa man~ga cahangan ay titingnan niya ipinag tatanong cundi naquiquita, ualang macasabi ooui na siya mapanglao ang loob n?luha ang mat?.

Cun siya,i, dumating sa canilang bahay puput?c ang dibdib in?ng mapagmahal, ang loob at puso,i, hindi mapalagay sa di pagca quita sa an?c na hirang.

Ano pa,t, sa touing gustong cumain na siyang pag paroong pag har?p sa in?, in?ng nalulumbay cun siya,i, maquita maguiguinhauahan pusong may balisa.

Saca uiuicaing ?ano caya ito? saan nangagaling itong aquing buns?, sa touing cacain lamang paririto ni anoma,i, hindi paquinaban~gan co.

Matapos cumain guinaua nang in? inaban~gan niya cun saan pupunta, in?,i, sumusunod na sa huli niya natanto,t, naalman ang tahanang sady?.

Naquita ang cahoy na hinahantun~gan sa loob nang pul? na pinalinisan, sadyang may oyayi na tinutulugan sa cahoy na Betis doon nalalagay.

Add to tbrJar First Page Next Page

Back to top Use Dark Theme