Use Dark Theme
bell notificationshomepageloginedit profile

Munafa ebook

Munafa ebook

Read Ebook: Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia Sa Caharian nang Portugal na Hinañgo sa Novela by Anonymous

More about this book

Font size:

Background color:

Text color:

Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page

Ebook has 529 lines and 15911 words, and 11 pages

Naquita ang cahoy na hinahantun~gan sa loob nang pul? na pinalinisan, sadyang may oyayi na tinutulugan sa cahoy na Betis doon nalalagay.

Ang uica nang in? ?ay Juang an?c co! may sadya ca pal? na tahanan dito, ?ano bagang iyong guinagaua rito ali,t, sino bagang dito,i, casama mo?

Anong naisip mo,t, nasoc sa acala dito ca nalugmoc anong guinagaua, talastas mo naman at hindi cail? mahal na am? mo ay palaguing uala.

Nag-iisa aco,t, uala cundi icao dapat casamahin sa gabi at arao, icao naman buns? ay sa toui lamang na gustong cumain nonoui sa bahay.

Aco ay paano ?oh an?c cong guilio! nag tataglay aco sacuna,t, hilahil, mahal na am? mo sa ati,i, uala rin sa sang-lingo,i, minsan lamang cun dumating.

Saca icao nama,i, di co maasahan palaguing uala ca,t, dito tumatahan, mabuti n~ga rito,t, icao ay maaluan mula n~gayo,i, icao,i, Tamad na si Juan.

Di naman sumag?t sa man~ga sinambit sa in?,i, ang mat? ay di maititig, ang loob at puso niya,i, may pan~ganib na baca ang in? ay may dalang galit.

Iniuan na roo,t, noui na ang in? lumalacad siyang n?luha ang mat?, ?Jes?s co! ang uica bucod at caiba itong aquing an?c na iisa isa.

Esposong si Fabio,i, siyang sabihin co caya cun umoui ay nag mamacatlo, hanap b?hay niya na pag jujuego sinasam? siya at palaguing talo.

Siya ma,i, narating sa canilang bahay cun minsan ay di na naoosisa man, ang an?c na bugt?ng na sa puso,i, mahal loob ay balisa,t, ualang mapuhunan.

Mana,i, isang arao ang uica ni Fabio esposa cong sinta tanong co sa iyo, ?baquin baga aco,i, touing paririto di co naquiquita ang an?c tang buns??

Sintang esposo co sag?t ni Sofia di anong gagauin sa Dios talaga, di mo n~ga talastas at dito,i, uala ca m~ga cagauian nang buns?ng an?c ta.

N~gayo,i, ang tauag co ay si Juang Tamad dahil sa ugaling caiba sa lahat, touing macacain panaog na agad pupunta sa pul? sa loob nang gubat.

Aquing sasabihin at nang matanto mo cabiac nang pusong casi,t, esposo co, buns?ng an?c nata,i, pagcacaalis mo ay palaguing uala,t, di nasusugo co.

Cung aquing hanapi,t, tingnan sa laroan sa m~ga barcada batang caramihan, ay hindi calar? uala,t, cung nasaan loob co,i, agad na na malulupaypay.

Babalic na acong puput?c ang dibdib sa di pagcamalas sa an?c tang ibig, sa daluang mat? co luha,i, nabalisbis sa iyo esposo ay inihihibic.

Di co pag aanhin mana,i, isang arao ang loob co,t, puso,i, di na mapalagay, niyong matanghaling tatapat ang arao oras nang pagcain dumating na naman.

Nasoc sa isip co,i, aquing susubuquin pinag aban~gan co niyong macacain, tica nang loob co ay aquing susundin ang pinarorona,i, n~g aquing malining.

An?c ta,i, nanaog n~g macacain na sumusunod acong na sa huli niya, uala siyang malay at di naquiquita naalman co yaon na tahanan niya.

May cahoy na Betis san~ga,i, malalabay sa loob nang pul? na pinalinisan, sa cahoy na yaon siya ay nag lagay man~ga baguing hagting parang oyayihan.

Ang sag?t ni Fabio ?oh Jes?s na Am?! ano caya,t, gayon ang an?c tang sinta, lulan niring dibdib at nasang talaga papapag-araling capara nang iba.

Di anong gagauin ay cun siyang bigay sa atin nang Dios na Am?ng Maycapal, ay houag isucal puso,t, calooban lagacan din siya niyong graciang mahal.

Nagsama ang dalua,t, naparoong tiquis pul? ay sinoot at ibig mabatid, nang si Juan Tamad datna,i, nahihilig himbing nang pagtulog at hilic na hilic.

Dinulog nang am?ng marahang marahan an?c niyang buns? ay canyang pinucao, guising ca an?c co at paquimatyagan acong iyong am? na na sa ligamgam.

Naguising pagdaca na may dalang tacot tinangnan n~g am? t, ang noo,i, tinut?p, mag pacahusay ca,t, tumauag sa Dios ualin sa panimdim sacuna nang loob.

Aco,i, bago lamang na cararating pa pinangalin~gan co ay malayong sady?, sa atin ay di co icao naquiquita aquing itinanong sa muty? mong in?.

Sumasag?t siya luha,i, nabalisbis sa daluang mat? perlas ang cauan~gis, nagulumihanan ang puso co,t, dibdib n~g oras na yao,i, nagdilim ang isip.

Nang aquing malining pauang maunaua ang sa iyong in?ng m~ga sabi,t, uica, sa daluang mat? co,i, umagos ang luha sa laquing hinayang sa an?c cong muty?.

?Oh bunsong an?c co,i, baquit caya naman cabut?ng in? mo,i, pinababayaan? talastas mo aco na uala sa bahay lagay ang loob co,t, ang casama,i, icao.

N~gayo,i, sumag?t ca,t, n~g maalaman co lulan nang loob mo,t, m~ga guinugusto, di paquinaban~gan icao nang in? mong lauong nag aruga,t, nag pasupasuso.

?Cundi ca mag silbi,t, mag lingcod sa amin ano caya bagang iyong mararating? b?hay ang puhunan n~g in? mong guilio saca n~gayo,i, di mo siya gagantihin.

Tunghay ang muc-ha mo,t, mat? ay isuly?p sagutin mo aco nang nasa mo,t, han~gad, ang hiya at tacot siyang nag-aalab caya di mangyaring bibig ay mabigcas.

Yayamang di ca rin sumag?t sa aquin malis cana dito,t, moui ca sa atin, ang calooban mo ay iyong baguhin at sa magulang mo,i, mag silbing magaling.

At houag ca ritong mag papalumag?c sa loob nang pul?ng casucalang gubat, tumatahan dito ay hayop na lahat hindi ang para mong cay Cristong ovejas.

Di naman sumouay pagdaca,i, sumama Tamad na si Juan sa gusto nang am?, pagdating sa bahay ang uica sa canya an?c co ay dinguin hatol cong lahat na.

Magpamula n~gayon magbago nang loob at dumalan~gin ca sa Poong cay Jes?s, sa am?,t, in? mo,i, magsilbi nang lub?s nang ang aua niya sa iyo,i, idulot.

Isilid sa loob houag calimutan sa umaga,t, hapon icao ay mag dasal, pintacasinin mo ang V?rgeng maalam n~g caauaan cang gracia ay pacamtan.

Houag cang aalis dito,t, pumirme na sa arao at gabi n~g macasama ca, ang mahal mong in?,i, nag-iisa isa ualang masusugo cun dito,i, uala ca.

Tuloy namang icao ay ibibil? co n~g isang cartillang mapag aralan mo, di man macapasoc icao sa maestro ay tuturuan ca guilio na in? mo.

Ani Juan Tamad na sag?t sa am? lahat ninyong hatol aco,i, tatalima, susunod sa utos aco po nang in? at saca sa Dios mananalan~gin pa.

Malaqui po am? yaring catouaan sa inyong sinabing aco ay mag aral, at harin~garin po na aco,i, casihan na matutuhan co gauang cabanalan.

Bumil? ang am? n~g isang cartilla, at si Juan Tamad ay tinuruan na niyong sarisaring pan~galan nang letra sa A nag pamula,t, pinaquiquilala.

Ang uica ni Fabio,i, salamat sa Dios at sa hicayat co an?c co,i, nasunod, iyong tuturuan esposa cong irog harin~ga,t, maalman cartilla,i, matal?s.

Iiuan co cayo,t, aalis na muna mag hahanap b?hay na ating magasta, icao na an?c co,i, maquiquinig baga houag mag susutil sa mahal mong in?.

O? po am? co,t, tatalimahin co mag papacasaquit na mag-aral aco, harin~ga,t, loobin nang Poong si Cristo na maguing Pari rin acong an?c ninyo.

Sa sag?t na yao,i, ga mapapan~giti ang am?ng si Fabio niyong talumpati, salitang may daguil at umaaglahi sa man~ga magulang ay parang tagur?.

Sa casi,t, esposa ay napaalam na tumun~go sa dating paroronan niya, nang quinabucasan niyong maumaga si Jua,i, uala na at nacaalis na.

Si Sofiang in?,i, di na matahimic mapanglao ang loob puput?c ang dibdib, inantayan lamang am?,i, nacaalis lumayas na nama,t, sa pul?,i, nagbalic.

Naparoong agad at canyang tiningnan dahilan sa hindi siya mapalagay, dinatnan ang an?c na nagugulaylay sa oyaying baguing na dating tulugan.

Ang bati nang in? ?ay buns?ng an?c co! baquin naman icao,i, muling naparito bilin nang am? mo,t, pan~gusap sa iyo houag cang aalis icao,i, casama co.

Di icao ay dico n~gayon malilin~gil di matuturuan at uala sa atin, di po cailan~gan yaon cun sa aquin cartilla po in?,i, paua co nang lining.

Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page

Back to top Use Dark Theme