Use Dark Theme
bell notificationshomepageloginedit profile

Munafa ebook

Munafa ebook

Read Ebook: Noli Me Tangere by Rizal Jos Poblete Pascual Hicaro Translator

More about this book

Font size:

Background color:

Text color:

Add to tbrJar First Page Next Page

Ebook has 1042 lines and 35872 words, and 21 pages

ag-aasawa ang aking capat?d na babae sa is?ng binatang cany?ng pinacasisint? at siya'y tinutumbasan n~g gay?n ding pag-ibig. Dahil sa pagcacaalit bagay sa salapi, at dahil nam?n sa ugali co n~g m~ga panah?ng iy?ng may pagcamapagmata?s, kinasusuklaman ac? n~g is? cong camag-?nac na malay?, isinurot sa aking is?ng araw ang toto?ng malab? cong pagsilang sa maliwanag, ang imb? cong pinanggalin~gang m~ga magulang. Acala co'y yao'y pawang paratang lamang, caya't hinin~gi cong bigy?ng liwanag ang gay?ng pagla?t; muling nabucs?n ang libin~gang kinahihimlayan n~g gay?ng caraming m~ga cabuluc?n, at lumabas ang catotohanan up?ng aco'y bigy?ng cahihiy?n. Nang lalong malub?s ang casaliwa?ng palad, malaon n~g panah?ng cam?'y may alilang is?ng matandang lalaki, na pinagtitiis?n ang lahat cong m~ga cahalin~gang pita at ayaw cam?ng iwan cailan man, at nagcacasiy? na lamang tuman~gis at humibik sa guitna n~g m~ga paglibac n~g ib?ng m~ga lingcod namin. Hindi co maalaman cung bakit napagsiyasat n~g aking camag-anac; datapuwa't ang nangyari'y tinawag n~g justicia ang matandang it?, at pinag-utusang sabihin ang catotohanan; ang matandang lalaki pal?ng aming alila'y siy?ng aming am?, na ?ayaw humiwal?y sa cany?ng sint?ng m~ga an?c, at ang matandang iy?'y hindi mamacail?ng aking pinahirapan. Napugn?w ang aming ligaya, tinalicd?n co ang aming cayamanan, nawalan n~g pacacasalang casintahan ang capat?d cong babae, cam?ng magcapat?d at ang aking am?'y iniwan namin ang bayan, upang pumaroon sa alin mang lupa?n. Ang pagcaalam na siya'y nacatulong sa aming casaliwaang palad ang nacapagpaicli n~g buhay n~g matandang lalaki, na siy?ng sa aki'y nagpaunawa n~g lahat n~g casakits?kit na m~ga nangyari n~g m~ga panah?ng nagda?n. Nan~gulila caming magcapatid.

<>

Tumiguil n~g pananalita si El?as, at ipinatuloy ang pagsagw?n.

--Naniniwaniwala ac?ng hindi po cay? nalilihis sa catuwiran--ang ibinul?ng ni Cris?stomo, sa iny?ng pananalitang dapat pagsicapan n~g justicia ang paggawa n~g magal?ng sa pagtumb?s sa magagandang gawa, at gay?n din ang pagtuturo sa m~ga nagcacasalang tao sa paggawa n~g masama. Ang nacahahadlang lamang ... ay it?'y hindi mangyayari, is?ng han~gad na hindi mangyayaring masunduan; sa pagca't saang cucuha n~g lubh?ng maraming salapi, n~g lubh?ng maraming m~ga bagong cawan??

--?At an? ang capapacanan n~g m~ga sacerdote, na ipinagtatalacan ang canil?ng tungculing maglaganap n~g capayapaan at pag-ibig sa capuwa tao? ?Diyata't lalong ikinararapat ang basain n~g tubig ang ulo n~g is?ng sangg?l, pacanin it? n~g as?n, cay sa pucawin sa maril?m na budhi n~g is?ng mas?mang tao iyang maningning na ilaw na bigay n~g Dios sa bawa't tao upang hanapin ang cany?ng cagalin~gan? ?Diyata't lalong pag-ibig sa capuwa tao ang alacbay?n ang is?ng may salang bibitayin, cay sa siy?'y alalayan sa paglacad sa matar?c na land?s na pagtalic?d sa m~ga pan~git na caugalian at pagtun~go sa magagand?ng caasal?n? ?Hindi po ba nagcacagugugol sa pagbabayad sa m~ga tict?c, sa m~ga verdugo at sa m~ga guardia civil? It? po, bucod sa cahalayhalay, pinagcacagugulan din n~g salapi.

--Caibigan co, cay? ? ac? man, cahi't ibiguin nati'y hindi natin masusunduan.

--Tunay n~ga, sacali't tayo'y nag-iisa, wala tayong mag?gawa; n~guni't iny?ng ariing sariling iny? ang catuwiran n~g bayan, makipanig po cay? sa bayan, pakingg?n niny? ang cany?ng cahin~gian, magbig?y ulir?n cay? sa m~ga ib?, ipakilala niny? cung an? ang tinatawag na bayang kinaguisnan!

--Hindi mangyayari ang cahin~gian n~g bayan; kinacailan~gang maghintay.

--?Maghintay! ?maghirap ang cahulug?n n~g maghintay!

--Pagtatawanan ac? cung aking hin~gin.

--At cung cay?'y alacbay?n n~g bayan?

--?Hindi mangyayari! hindi co mag?gawa cail?n man ang patnugutan ang caramihang tao upang camt?n sa s?pilitan ang bagay na hindi inaacala n~g p?mahalaang capan?hunan n~g ibigay, ?hindi! At cung sa al?n mang araw ay makita cong may sandata ang caramihing iy?n, aanib ac? sa p?mahalaan at n~g sil?'y aking bacahin, sa pagc?'t hindi co ipal?lagay na aking bayan ang m~ga manggugul?. Hin?han~gad co ang cany?ng cagalin~gan, caya nagtay? ac? n~g is?ng bahay-paaralan; hinahanap co ang cany?ng cagalin~gan sa pamamag-itan n~g pagpapaaral, sa mahinahong untiunting pagsulong n~g dunong, walang daan cung walang liwanag.

--?N~guni't wal?ng calayaan nam?n cung wal?ng pakikihamoc!--ang sag?t ni El?as.

--?Datapuwa't aayaw ac? n~g calayaang iy?n!

--N~gay?'t cung walang calayaa'y walang liwanag,--ang muling itinutol n~g piloto n~g maalab na pananalita;--sinabi po niny?ng hindi malaki ang pagcakilala niny? sa iny?ng m~ga cababayan; naniniwala ac?. Hindi po niny? nakikita ang paghahanda sa pagbabaca, hindi niny? nakikita ang dil?m sa dacong paliguid; nagpasimula ang paghahamoc sa pagmamatuwiran upang magcaro?n n~g wac?s sa paglalaban?n sa lupa na malilig? n~g dug?; n?ririn~gig co ang tinig n~g Dios, ?sa aba n~g mag-acalang lumaban sa canya! ?hindi iniucol sa canila ang pagsulat n~g Historia!

Nag-ib?ng any? si El?as; nacatindig, nacapugay, may any?ng hindi caraniwan ang mukha niy?ng mabayaning liniliwanagan n~g buw?n. Ipinagp?g ang cany?ng malag?ng buh?c, at nagpatuloy n~g pananalita:

--?Hindi po ba niny? nakikita't gumiguising na ang lah?t? Tumag?l n~g il?ng da?ng ta?n ang pagcacatulog, n~guni't pumut?c ang lintic is?ng araw, at sa paninir? n~g lintic ay pumucaw n~g buhay; buhat niy?'y ib?ng m~ga hilig ang pinagp?pagalan n~g m~ga isip, ang m~ga hilig na it? na n~gay?'y nan~gagcacahiwalay, man~gagcacalakiplakip is?ng araw na ang Dios ang siy?ng mamamatnugot. Hindi nagculang ang Dios sa pagsacl?lo sa m~ga ib?ng bayan; hindi rin magcuculang ang saclolong iyan sa bayan natin; ang catuwiran niya'y siyang catuwiran n~g calay?an!

Isang dakilang catahimican ang siy?ng sumun?d sa ganit?ng m~ga salita. Samantala'y lum?lapit ang bangc? sa pasigan sa hindi naiinong pagsusulong n~g m~ga alon. Si El?as ang naunang sumira n~g gay?ng hindi pag-iimican.

--?An? po ang sasabihin co sa m~ga nag-utos dito sa akin?--ang tan?ng, na nagbago n~g any? n~g tinig.

--Sinabi co na po sa iny?; na din?ramdam co ang canil?ng calagayan, n~guni't sil?'y man~gaghint?y, sa pagca't hindi nag?gamot ang m~ga sak?t n~g capuwa m~ga sak?t, at sa casaliwaan nating palad ay tayong lahat ay may casalanan.

Hindi na muling sumag?t si El?as, tumung?, nagpatuloy n~g pagsagw?n, at n~g dumating sa pamp?ng ay nagpaalam cay Ibarra n~g ganit?ng sabi:

--Pinasasalamatan co po cay?, guino?, sa iny?ng pahihinuhod sa aking pakiusap; hinihin~gi co sa icagagaling niny?ng sa haharaping panah?'y aco'y iny?ng limutin at huwag niny?ng kilalanin ac? sa an? mang calagayang aco'y iny?ng m?sumpong.

At pagcasabi nit?'y mul?ng pinalacad ang bangc?, at sinagwan?ng ang tun~go'y sa is?ng gubat sa pasigan. Samantalang guinagawa ang mahabang pagtawid ay nanatili sa hindi pag-imic; tila mandin wala siy?ng namamasdan cung di ang libolibong m~ga diamante na kinucuha't ibinabalic n~g cany?ng sagw?n sa dagatan at doo'y talinghagang nan~gaw?wala sa guitna n~g m~ga bugh?w na alon.

Sa cawacasa'y dumating; lumab?s ang is?ng tao sa casucalan at lumapit sa cany?.

--?An? ang sasabihin co sa capit?n?--ang tan?ng.

--Sabihin mong gaganap si El?as n~g cany?ng pan~gac?, sacali't hindi mamat?y muna,--ang isinag?t n~g boong calungcutan.

--Cung gay?'y ?cail?n ca makikisama sa amin?

--Pag-inacala n~g iny?ng capit?ng dumating na ang panah?n n~g pan~ganib.

--Cung gay?'y magaling, ?paalam!

Malungc?t at pusp?s n~g pan~gamba ang mahihiing si Linares; bagong catatangg?p niya n~g sulat ni do?a Victorina, na ganit? ang sabi:

<

Ang pinsan mong gumiguiliw sa iyo mula sa pus?,

Sampaloc, lunes ? las 7 n~g gabi.>>

Mabig?t ang bagay na iy?n: kilal? ni Linares ang ugali ni do?a Victorina at nalalaman niy? cung hanggang saan ang mag?gawa; cung pakiusapan siy? n~g nauucol sa catuwira'y tulad sa cung magsaysay n~g nauucol sa calinisan n~g puri't pakikipag capuwa-tao sa is?ng carabinero n~g Hacienda, pagca talagang may pacay na macakita n~g contrabando sa lugar na tunay na wala; ang mamanhic ay wal?ng cabuluh?n, magdaya'y lalo n~g masam?; wala na n~gang sucat pagpapaliiran cung hindi magham?n n~g away.

--N~guni't ?paano?--ang sinasabing nagpaparoo't paritong mag-is?;--cung salubun~gin ac? n~g masasamang pananalita? ?cung ang cany?ng asawa ang aking maratnan? ?sino caya ang macaiibig magpadrino sa akin? ?ang cura? ?si capitan Tiago? ?Sinusumpa co ang oras n~g aking pagsunod sa canyang m~ga hatol! ?Dald?l! ?Sino ang pumipilit sa aking ac?'y maghamb?g, magsabi n~g m~ga cabulastug?n, magpakita n~g m~ga cayaban~gan! an? ang sasabihin sa akin n~g guino?ng dalagang iy?n ...? Dinaramdam co n~gay?n ang paguiguing secretario co n~g lahat n~g m~ga ministro!

Sum?saganit?ng malungc?t na pakikipagsalitaan sa sarili ang mabait na si Linares n~g dumating si pari Salv?. Ang catotohana'y lalo n~g pay?t at namum?tla ang franciscano cay sa dati, n~guni't nagn?ningning sa cany?ng m~ga mat? ang is?ng tan~g?ng liwanag at sumusun~gaw sa cany?ng m~ga labi ang is?ng cacaib?ng n~git?.

--?Guinoong Linares, lub?s naman ang pag-iis? niny??--ang ibinati at saca tumun~go sa salas, na sa m~ga nacasiwang na pint? nito'y tumatacas ang il?ng tinig n~g piano.

Nag-acala si Linares na n~gumit?.

--?At si don Santiago?--ang idinugt?ng n~g cura.

Dumating si capitang Tiago sa sandali ring iy?n, humalic n~g cam?y sa cura, kinuha niy? ang dal? nit?ng sombrero at bast?n n~gumin~giting maba?t na maba?t.

--?Pakingg?n niny?, pakinggan niny?!--ang sabi n~g curang papas?c sa salas, na sin?sundan ni Linares at ni capitan Tiago;--may dal? ac?ng magagal?ng na balita na aking sasabihin sa lah?t. Tumangg?p ac? n~g m~ga sulat na galing sa Maynil?, na pawang nagpapatibay n~g sulat na dinal? sa akin cahapon ni guino?ng Ibarra ..., sa macatuw?d, don Santiago, ay wala na ang nacah?hadl?ng.

Si Mar?a Clara, na nacaup? sa piano sa guitn? n~g canyang dalaw?ng caibigang babae, umany?ng titindig, datapuwa't kinulang siy? n~g lac?s at muling naup?. Namutl? si Linares at tinitigan si capitang Tiago na ibinab? ang m~ga mat?.

--Untiunting toto?ng kinal?lugdan co ang binatang iyan,--ang ipinagpatuloy n~g cura; n~g una'y masam? ang aking pagc?palagay sa cany? ..., may caunt?ng cainitan ang ulo, n~guni't lubh?ng marunong umayos n~g cany?ng m~ga pagcuculang, na an? pa't hindi mangyaring macapagtan?m sa cany? ang sino man. Cung di n~ga lamang si padre D?maso'y....

At tinudl? n~g cura n~g matuling pagsuly?p si Mar?a Clara, na nakikinig n~guni't hindi inihihiwalay ang m~ga mata sa papel n~g m?sica, bag? man siya'y lihim na kinucurot ni Sinang, na sa gay?ng paraa'y sin?saysay ang cany?ng catuw?an; sumayaw sana siya cung sil?'y nag-?is?.

--?Si padre D?maso po?--ang tan?ng ni Linares.

--Opo, si padre D?maso, ang sinabi,--ang ipinagpatuloy n~g cura, na hindi inihihiwalay ang tin~g?n cay Mar?a Clara,--na palibhasa'y ... inaama sa biny?g, hindi niy? maitutulot ... n~guni't sa cawacasan, inaacala cong humin~ging tawad sa cany? si guinoong Ibarra, bagay na hindi co pinag aalinlan~ganang magcacahusay-husay na lah?t.

Nagtind?g si Mar?a Clara, nagsabi n~g is?ng dahil?n at pumasoc sa cany?ng cuarto, na si Victoria ang casama.

--?At cung hindi siy? patawarin ni padre D?maso?--ang marahang tan?ng ni capitang Tiago.

Cung magcagayo'y ... si Mar?a Clara ang macacaalam ... si padre D?maso ang cany?ng am?ng caluluwa: n~guni't inaacala cong sila'y magcac?watasan.

Nang sandal?ng ya?'y napakingg?n ang yab?g n~g m~ga paglacad at sumipot si Ibarra, na sinusundan ni t?a Isabel; ib?'t ib?ng m~ga damdamin ang napucaw n~g pagdating niy?ng iy?n. Bumati n~g boong guiliw cay capitang Tiago, na hindi maalaman cung n~gin~git? ? iiyac, bumati cay Linares n~g is?ng malaking pagyuc?d n~g ulo. Nagtind?g si fray Salv? at iniabot sa cany? ang cam?y n~g boong pagliyag, na an? pa't hindi napiguilan ni Ibarra ang is?ng tin~ging nagp?pahalat? n~g malak?ng pagtatac?.

--Huw?g po cay?ng magtac?,--ani fray Salv?;--n~gay?n-n~gay?n lamang ay pinupuri co cay?.

Add to tbrJar First Page Next Page

Back to top Use Dark Theme