Use Dark Theme
bell notificationshomepageloginedit profile

Munafa ebook

Munafa ebook

Read Ebook: Frank Allen at Gold Fork; or Locating the lost claim by Forbes Graham B

More about this book

Font size:

Background color:

Text color:

Add to tbrJar First Page Next Page

Ebook has 1315 lines and 46571 words, and 27 pages

"AP?-AP?"

"Kung sinong Ap?-Ap?"

Pantale?n S. Lopez

MAYNILA

Zarzuelang tagalog na may isang bahagi, ikatha ni P. S. Lopez, at tugtugin ni Mateo Varios na pinamagatang:

"AP?-AP?"

M~GA TAO SA OBRA.--M~GA ARTISTA.

Soledad......G. M?xima Gonzales. Mar?a........Bb. Petrona Polintan. Ludovico.....G. P. S. Lopez. Tio Agong....>> F. P. Ballecer. Bakokoy......>> Juan Bernabe. Tio Pedro....>> E. Pe?a. Totong.......>> F. Pe?a.

KAPISANAN N~G PANDAY.

Tanging bahagi

MUSICA No. 1.

Coros.--Itong ating kabuhayan ang mag panday gabi't araw siyang tan~ging kabuhayan n~g kapatid at magulang.

Ludovico.--Kapalara'y sinakbibi kabuhayay kinandili at guinhawa'y humalili, palad n~ganing tantong ap?.

Coro.--Bawat palo n~ga sa bakal n~g martillong nasa kamay pawis nag tagtagastasan. sa katawang n~g lulumay. hot, hot, hot,

SALITAAN.

Agong.--Luduviko kapatid ko: dahil saiyo ay diko maikakail? na ako'y guminhaw? sanh? sa mabuting iyong pamamanihala nitong aking kabuhayan.

Vico.--Diko po itinuturing.

Pedro.--Kaibigan ayon sa kainaman mong ugali dika sukat mag tiwal? n~g labis sa ating ap?-ap?an, sapagkat dingu?n mong madalas asalin niyan:

Iyan ay walang ugaling makisama sa di niya mauul?l, at marunong gumalang sa matwid, siya,i, di mopa kilal? dahil sabago kapang nakakasama ?gaano nabang panahon ang iyong pagkalagay dito?

Vico.--Dalawang taon lamang.

Pedro.--?Gasino na ang dalawang taon? ako'y nakilala ko pati inunan niyan at sa katunayan, iyan ay pang-ulo n~g isang tungkos na in?til at walang ini-isip kung di ulul?n ang m~ga kaawa-awa, walang big?ng kilos na di pinagkakagasta; at ang bawat hindi umamin sa linsad niyang paraan ay tuturang walang pag-ibig sa lupang kinamulatan.

Vico.--Katoto: masal?g ko ang iyong pan~gun~gusap, si Tio Agong ay walang kasalanan, sapagkat sa bayang walang napakukutos, ay walang man~gun~gutos, tuturan mong siya'y pan~gulo n~g isang kapisanan. ?Hindi mo ba natatalos yaong wika: Na sa bayan n~g ulol walang Hari kundi ang gungong? Kaya wala sa gunam-gunam ko ang ako'y kaniyang pagtaksilan.

Soledad.--Guiliw kong asawa! bagaman,t, mahapd?, sa puso,t, panimdim ang isasangun?, pag iinutan ko, na maimungkah? sabahay naito'y huag mamalagui.

Vico.--Ikaw'y asawa ko ano mang masapit ikaw lang ang tan~ging sa dib-dib naguhit nag papagal ako kasi ko at ibig sa iyo ang dahil....

Soledad.--Dinguin mo ang sulit: Ibig kong sa bihin n~gayong ipamalay sa iyong kasam? ikaw,i, humiwalay.

Vico.--Ang lahat mong sabi aking hahadlan~gan pagkat diko ibig at di katuiran. Ako'y kilal? mong inan?k sa pagod sapagtatrabaho'y nabuhos ang loob ang pandayang ito kung kaya lumusog ay dahil sa akin.

Soledad.--?Maawain kong Dios!

Vico.--Talastas mong dati ang aking puhunan sa pandayang ito'y madlang kapaguran n~gayong sumapit na ang pakikinabang manghihikayat kang akoy humiwalay.

Soledad.--Dinguin aking guiliw itong isasaad na sa pagkahimlay aking na pan~garap ang taksil na Agong magdarayat sukab at sa may asawa ay nan~gun~gulimbat.

Tan~gi pasarito ang dulong himutok n~g nag bigay agam aking bun~gang tulog kahiman daw lan~g?t ang iyong idulot kagantiha'y lason.

MUSICA No. 2.

SALITAAN.

Soledad.--Hindi malan~gap ko ang m~ga insal n~g lilong si Agong may asal halimao hindi na nan~gimi pag sinta'y ialay ?sa isang gayako?

Pedro.--Soledad pag masdan.

Soledad.--Tio Pedro, ikaw po,i, manain~ga: natatanto ko po na ikaw ay may dan~gal na taglay, kung ako po ba'y may ipag tapat sa iyo, ikubli mo po kaya.

Pedro.--Ah, Soledad puputok sa lupa, n~gunit sa aking dila ay hindi; turan mo.

Soledad.--?Ano po ba ang pagkakilala mo kay tio Agong?

Soledad.--Hintay ka po muna.

Pedro.--Ah, hindi mona maa-awat, isang tawong kung hindi mo alintanahin ang kanyang....

Soledad.--Tapusin mo na po.

Pedro.--Aba ay tapos na n~ga, ?ano naman ang ipagtatapat mo sa akin?

Soledad.--Marahil po'y tanto mo, na kung hindi dahil kay Ludovico, ay hindi uusbong ang kaniyang kabuhayan.

Soledad.--Madalumat mo po bang ialay sa akin ang kanyang pag-ibig, madalumat mo po bang nasain n~g Agong na iyan, na ihapay ang puri n~g kanyang pinakikinaban~gan.

Soledad.--Kaya't yayamang sa aking asawa'y wala akong sukat magagawang paraan upang ipamalay sa kanya ang m~ga bagay na ito ikaw na po ang magsabi sa kanya.

Soledad.--?Hindi ka po ba nahahabag sa aking asawa?

Soledad.--?Ano po itong sulat na ibinigay mo sa akin?

Pedro.--Si tio Agong ang nagpapadala sa iyo niyan, huag ko daw pagpapahamakang buksan.

Guiliw kong Soledad: Ga?no kayang pagtatak? ang tatamuhin n~g iyong mapayapang dibdib na kung sa kalatas kung ito'y matant? ang laki n~g aking pag-ibig.

Soledad.--Ini-ibig kita hangang huling tibok n~g aking paghin~ga kahi't dios man ang humadlang.

Pedro.--Ang ikalawa huag kang manumpa sa sa n~galan n~g Dios.

Add to tbrJar First Page Next Page

Back to top Use Dark Theme