Use Dark Theme
bell notificationshomepageloginedit profile

Munafa ebook

Munafa ebook

Read Ebook: Frank Allen at Gold Fork; or Locating the lost claim by Forbes Graham B

More about this book

Font size:

Background color:

Text color:

Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page

Ebook has 1315 lines and 46571 words, and 27 pages

Pedro.--Ang ikalawa huag kang manumpa sa sa n~galan n~g Dios.

Soledad.--Ikaw ang pan~gin~gilinan ko't igagalang.

Pedro.--Ang ikatlo sa lahat lamang n~g lingo at pista ka man~gin~gilin.

Soledad.--Soledad igagalang kita.

Pedro.--Ang ikaapat igalang mo lamang ang ina mo't ama gayon din ang katwiran.

Soledad.--Mamahalin kita n~g higit sa buhay.

Pedro.--Ang ikalima huag pumatay n~g tawo.

Soledad.--?Ay Soledad! ikaw ang buhay ko.

Pedro.--Ika anim huag kang makiapid sa di mo as?wa.

Soledad.--Ikaw Soledad ang tan~ging numakaw n~g aking puso.

Pedro.--Ang ikapito huag mong nanakawin ang ipinagkakatiwala sa iyo.

Soledad.--Soledad n~g aking buhay ang ninas? kong ito'y hindi mahahadlan~gan kahit ang Dios.

Pedro.--Ikawalo, huag kang mapagbintang sa kapua mo, bago bago ikaw ang lilo.

Soledad.--Soledad ko, ikaw ang pinagnasaang pagkamatayan n~g aking pag-ibig.

Pedro.--Ikasiam huag pagnasaan ang asawa n~g kapua mo.

Soledad.--Guiliw kong Soledad ikaw ang aariin kong kaisang puso.

Pedro.--Ikasampu huag mong pagnasaan ang ari n~g iba, lalo na kung iguinagalang ka.

Soledad.--Hahanganan kona ang takbo nang pluma sapagka't ikaw din ang iibiguin ko kahit anong karatnan.

Soledad.--Kaya n~ga po tio Pedro, gawan mo po n~g paraan walin sa kanyang loob ang kanyang nina-nais sa kayo din po ang kaututang dila niyan.

Pedro.--Bueno, pabayaan mo,t, akong bahala.

Maria.--Ano.

Pedro.--Natatanto mo itong si Tio Agong; ibig palang lumigaw dito kay Soledad, Jesus mariosep bakit ko ba naipagtapat dito.

Maria.--?Si Soledad na asawa n~g kanyang kasam??

Pedro.--Oo.

Maria.--Maniwala kana sasinasabi kona sa iyo,t, ang sinalibad n~g isang laksang iyan e.

Pedro.--Ako pang guinawang taga dala nang sulat.

Pedro.--Mangyari ako'y natatakot baka akoy maturang hindi mabuting kababayan.

Maria.--Naku.....pag hindi ko binalibol ang bun~gan~ga mo ?, ang sukat mong akalain itong aking sasabihin: kung ang tawo bang iyan ay mabuting cristiano, dapat bang pag nasaan ang asawa n~g kanyang kasam?.

LALABAS SI BAKOKO'Y

Bokokoy.--Magandang araw po.

Pedro.--?Sino?

Bokokoy.--?Sino puba ang amo dito?

Pedro.--?Bakit?

Bokokoy.--Ibig ko pu sanang manilbihan.

Maria.--?Baka hindi ka makatatagal dito?

Bokokoy.--Tatagal po.

Pedro.--N~g akoy maligtas sa m~ga basagulo ipasok ko ito, hoy ?ano ang pan~galan mo?

Bokokoy.--Bokokoy po.

Pedro.--Dito'y talagang nan~gan~gailan~gan n~g alil?, datapua't isang alilang pipe, dahil sa ikaw ay hindi pipe tuturuan kitang maging pipe, pagka't ang amo dito ay ayaw makikisama kung hindi sa pipe, bulag, at kimaw na gaya ko; ako man ay hindi rin kimaw nagkikimawkimawan lamang ako, o tignan mo.

Bokokoy.--Aray, ha ha ha.....

Pedro.--?Bueno, ibig mo? iyan man hindi rin bulag.

Bokokoy.--Opo.

Bokokoy.--Opo.

Pedro.--?Magkanong sueldo ang ibig mo?

Agong.--Pedro, aha? sino iyan?

Pedro.--Ibig pumasok na alila pinapag-antay ko dahil sa pipe, baka wika ko maibigan mo.

Agong.--Aha, oo kung pipe ay ibig ko n~ga magkano an~g sueldo tanun~gin mo.

Pedro.--Bokokoy.

Agong.--Anong n~galan?

Pedro.--L?mang piso daw.

Agong.--Tio Pedro, anong sagot ni Soledad?

Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page

Back to top Use Dark Theme